-
Ano ang ALS
Ano ang ALS? Ang ALS ay nangangahulugang Alternative Learning System. Ano ang Alternative Learning System? Ang ALS ay ipinapatupad ng Department of Education o DepEd, ang kagawarang nangangasiwa sa sektor ng Educastion sa Pilipinas. Kapag ang isang Pilipino ay hindi pa nakatapos ng elementarya o high school, puwede siyang makatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng programang ito, kahit hindi siya papasok sa formal education system. Modular ang approach nito. Ibig sabihin na ang mga gustong mag-aral dito ay opisyal na inililista bilang mag-aaral na Pilipino sa alternatibong paraan. Ang mga mag-aaral dito ay hindi na kailangang pumasok araw-araw sa formal na paaralan. Kapag nakompleto na ng mag-aaral ang mga kailangang…
-
Paano Papasa ang mga ALS Learners sa School-Year 2021-2022
Nagpalabas na ang DepEd ng Joint Memorandum mula sa tanggapan ng Curriculum and Instruction at Bureau of Alternative Education (BEA) kaugnay ng mga patakaran kung paano papasa ang mga ALS learners sa School-Year 2021-2022. Ayon sa nilagdaang Joint Memorandum DM-CI-2022-126, ang gagamiting basehan ng pagpasa ng mga mag-aaral ng ALS ay ang Presentation Portpolio Assessment o (PPA) pa rin sa halip na ang dating ipinapatupad na Accreditation and Equivalency Test. Itoy bunsod pa rin ng epekto ng COVID-19. Matatandaang ito na ang pangatlong taon kung saan ang PPA ang siyang ginagamit na alternatibong paraan ng pagbibigay ng sertipikasyon sa mga mag-aaral ng ALS Elementary Level (EL) at Junior High School…
-
Paano Mag-enrol sa ALS
Karaniwang tinatanong sa ating ALS page at groups ng ALS kung saan puwedeng magpa-enrol sa ALS. Atin ngayon sasagutin ang katanungang ito. Kapag ikaw ay 16 na taong gulang na, at hindi ka pa nakakapagtapos ng grade 10, puwedeng-puwede kang mag-aral sa ALS. Ang ALS ay programa ng gobyerno ng Pilipinas na ipinapatupad ng DepEd. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa ALS, basahin ang ating artikulo kaugnay dito sa link na ito: Ano ang ALS? Ngayon at interesado ka nang mag-aral sa ALS, saan ka ngayon magpapa-enrol? Karaniwan nang matatagpuan ang mga ALS centers sa mga nakalaang silid-aralan o gusali ng mga public schools na inilaan ng DepEd. Gayun…
-
Anu-ano ang Mga Kwalipikasyon Para Makapag-Apply sa ETEEAP?
Mga Kwalipikasyon ng Mag-Aapply sa ETEEAP Ang mga pangunahing kwalipikasyon ng kandidato ay ang pinakamababang pamantayan para maging kwalipikado ang isang aplikante para sa pagpasok sa programa. Ang mga deputized HEI ay may prerogative na magdagdag sa mga ito ng kanilang sariling pamantayan sa pagpasok. 1. Ang kandidato ay dapat isang mamamayang Pilipino. 2. Ang kandidato ay dapat magkaroon ng diploma sa high school o ang PEPT placement na katumbas ng first year college. Ang kandidato ay dapat na nagtapos sa high school o nakakuha ng PEPT placement sa unang taon sa kolehiyo. Tinitiyak nito na ang mga kakayahan para sa mga pangunahing kasanayan at kaalaman sa pagganap ay dapat…
-
Anu-anong mga impormasyon ang kinakailangan sa Application Form ng ETEEAP?
Sa pag-a-apply ng ETEEAP Course may mga 7 bahagi na kailangang sagutin ng tama sa application form. Narito ang mga bahaging iyon: Table of Contents Personal Information Education Paid Works and Other Experiences Honors and Citations Received Creative Works and Special Accomplishments Lifelong Learning Experience Essay Writing Ngayon ay isa-isahin natin ang mga ito. I. Personal Information 1.Name: lastname, firstname, middle name. Karaniwan nang sa mga aplikasyon at pinipirmahang information sheets, unang tinatanong ang pangalan. Madali na ito para sa karamihan. Sa mga may junior o senior sa pangalan karaniwang inilalagay ang Jr. o Sr. kasama 8sa hulihan ng firstname. Ang iba naman ay nalilito at inuuna nang isulat ang…
-
Paano Mag-apply sa ETEEAP para makatapos ng Kolehiyo na hindi na kailangang pumasok araw-araw sa kolehiyo o unibersidad?
Alam niyo bang puwede nang makapagtapos ng kolehiyo o makakuha ng college degree ang isang Pilipino na hindi na kailangang pumasok araw-araw sa kolehiyo o unibersidad at hindi na kailangang gugulin ang apat o limang taon sa kolehiyo depende sa gusto mong kurso? Basahin ang mga sumusunod na bahagi at tingnan kung puwede ang iyong kalagayan dito. Ito ay sa pamamagitan ng programa ng Commission on Higher Education na tinatawag na ETEEAP o Expanded Tertiary Education Equivalency Program. Sinu-sino ang mga puwede dito? Kailangang Filipino citizen ang isa para tatanggapin sa programa. Nakapagtapos na ng sekondarya mula sa formal system o sa Alternative Learning System. Kapag mula sa formal school…
-
Ano ang ETEEAP
Ang ETEEAP ay nangangahulugang “Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program“. Ito’y isang komprehensibong programa sa edukasyon sa antas ng kolehiyo kaugnay sa pagkilala at pagbibigay ng kaukulang “credits” sa mga kaalaman, kasanayan, kaugalian at pagpapahalaga na taglay ng isang tao mula sa kanyang mga karanasan sa trabaho at mga kasanayang natamo na nito. Ipinapatupad ito ng Commission on Higher Education o CHED sa pamamagitan ng mga kinilala ng komisyon na mga kolehiyo o unibersidad na siyang maggagawad ng kaukulang “college degree” sa mga applikanteng papasa dito. Ang mga puwedeng kumuha nito ay mga Filipino na nagtapos ng sekondarya at nakapagtrabaho na ng limang taon sa industriya na kaugnay ng…
-
Welcome to ALS College.Com Blog
It’s a pleasure to have you here on our blog. We are ALSCollege.Com, a blog aimed at providing valuable information, tips, and connections about how to earn a tertiary degree through ALTERNATIVE LEARNING SYSTEMS. With the success of the ALS Program of the Department of Education in the Philippines, Alternative Learning Systems focused on finishing a College Education, are also gaining more popularity. The Expanded Tertiary Education and Equivalency Program, more popularly known as ETEEAP, has been established by the Commission on Higher Education to fill the gap in providing tertiary education to individuals who are not able to go back to the formal school setting anymore. It also benefits…