ALS SA HIGH SCHOOL

Ikaw ba ay hindi pa nakapagtapos ng high school?

Sa ngayon, ipinapatupad na ng DepEd ang ALS sa high school, kung saan ang sinumang Pilipino na gustong magpatuloy ng pag-aaral sa high school na hindi makapasok sa formal school ay puwede nang mag-aral sa ALS.  Para sa high school level, kailangang 16 taon gulang na ang isa para makapagpatala sa ALS high school. Pangunahing target ng ALS ang mga hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral sa high school lalo na ang mga mahihirap, mga street children, mga indigenous people, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay, kababaehan, solong magulang, mga may kapansanan, mga naiipit sa kaguluhan, mga nagbalik-loob sa pamahalaan, mga bilanggo, mga nagtatrabahong hindi pa nakapagtapos, mga walang trabaho, matatanda, lolo man o lola, lahat ng mga ito ay puwedeng makapag-aral sa ALS.

Sa unang antas, puwedeng tapusin ang grade 10 kapag naipasa ang pagsusulit ng Accreditation and Equivalency. Pagkatapos nito, makakatanggap ang sinumang pumasa dito ng grade 10 certificate na magpapatunay na puwede na siyang pumasok sa grade 11.

Sa senior high school, kailangang tapusin ng mag-aaral ang grdae 11 at grade 12. Ang dalawang level na ito ay puwede na ring tapusin sa pamamagitan ng ALS Senior high school na kasalukuyan na ngayong naka-pilot test sa mga piling rehiyon sa bansa. Pangunahing pilot area ang Bicol region. Ayon sa ating source, ang ALS senior high school ay tatapusin din ng mag-aaral ng dalawang taon, katulan sa formal system. Ang pagkakaiba lang ay puwedeng makapag-aral ang mga nasa ALS sa pamamagitan ng modules at scheduled meetings upang tapusin ang mga kinakailangan para sa portfolio.

Narito ang mga kinakailangan upang makapagenrol sa ALS:

  1. Photocopy of birth certificate (PSA) / baptismal certificate
  2. 2×2 ID picture (white background)
  3. Form 137 (only for learners from the formal education system)

Kapag nakapag-enrol na sa ALS learning center ang isang ALS learner, kailangang irehistro ng ALS teacher and learner na ito sa Learner Information System o tinatawag na LIS ng DepEd. Pagkatapos nito mabibigyan ng unique na Learner Reference Number o LRN ang ALS learner na siyang magpapatunay na opisyal na siyang nakaenrol sa ALS. Bawat isang mag-aaral, sa formal man o sa ALS ay dapat magkaroon nito, isang unique identifier na walang katulad, patunay na enrolled siya bilang estudyante.

Source: DepEd
image credit: elsebjgmailcom, pixabay.com