Latest Update

Paano Mag-apply sa ETEEAP para makatapos ng Kolehiyo na hindi na kailangang pumasok araw-araw sa kolehiyo o unibersidad?

Alam niyo bang puwede nang makapagtapos ng kolehiyo o makakuha ng college degree ang isang Pilipino na hindi na kailangang pumasok araw-araw sa kolehiyo o unibersidad at hindi na kailangang gugulin ang apat o limang taon sa kolehiyo depende sa gusto mong kurso? Basahin ang mga sumusunod na bahagi at tingnan kung puwede ang iyong kalagayan dito. Ito ay sa pamamagitan ng programa ng Commission on Higher Education na tinatawag na ETEEAP o Expanded Tertiary Education Equivalency Program.

Sinu-sino ang mga puwede dito?

  1. Kailangang Filipino citizen ang isa para tatanggapin sa programa.
  2. Nakapagtapos na ng sekondarya mula sa formal system o sa Alternative Learning System. Kapag mula sa formal school kailangan mayron siyang katunayan na siya ay nagtapos tulad ng diploma. Sa ALS naman kailangan mayron din siyang katunayan na natapos niya ang sekondarya ibig sabihin natapos niya ang grade 12 gaya ng certificate of completion o kaya diploma o katunayan mula sa Deped.
  3. May karanasan o experience na umaabot na ng 5 taon na siya ay nagtatrabaho na sa sektor na may kaugnayan o nakalinya sa kurso na gusto niyang tapusin. Halimbawa, kung gusto niyang makatapos ng Business Management, kailangang may limang taon na siyang nagtratrabaho sa sektor ng negosyo na may kaugnayan sa management o pagmamaneha ng mga negosyo ng isang kompanya o dili kaya naman ay dapat mayroon siyang sariling negosyo sa loob na ng limang taon. Dapat na matibay na mapatunayan ito ng aplikante.
  4. Dapat din niyang maipasa ang mga pagsusuri at pagsusulit kaugnay ng mga kinakailangang kasanayan, saloobin at kaalaman tungkol sa inaaplayang kurso.
  5. Makompleto ang applikasyon sa kolehiyo o unibersidad at opisyal siyang tanggapin at kilalaning estudyante.
  6. Maipasa ang mga kaukulang asignatura na dapat niya pang tapusin kaugnay sa inaaplayang kurso.
  7. Makapagbayad ng halagang katumbas ng matrikula o tuition fee sa programang inaaplayan.

Hindi po libre ang pag-aaral ng ETEEAP. May kaukulang bayad ito depende sa kurso at sa institusyon na gustong pagtapusan ng isang aplikante ng ETEEAP. Kung gusto ng isa na magtapos sa isang prestihiyoso at pribadong paaralan, dapat siyang maghanap ng mga akreditado at kinikilala ng CHED bilang Higher Education Institution na puwedeng magpatupad ng ETEEAP. Puwede rin sa mga state universities basta kinikilala ng CHED bilang HEI. Tiyak na mas mura ang tuition fees dito kaysa sa mga private schools.

Maaaring itanong ng ilan, eh bakit po hindi libre? Mayroon bang libre na nag-ooffer ng ETEEAP? Aalamin natin yan sa susunod!

 

4 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *