ALS,  Latest Update

Paano Papasa ang mga ALS Learners sa School-Year 2021-2022

Nagpalabas na ang DepEd ng Joint Memorandum mula sa tanggapan ng Curriculum and Instruction at Bureau of Alternative Education (BEA) kaugnay ng mga patakaran kung paano papasa ang mga ALS learners sa School-Year 2021-2022. Ayon sa nilagdaang Joint Memorandum DM-CI-2022-126, ang gagamiting basehan ng pagpasa ng mga mag-aaral ng ALS ay ang Presentation Portpolio Assessment o (PPA) pa rin sa halip na ang dating ipinapatupad na Accreditation and Equivalency Test. Itoy bunsod pa rin ng epekto ng COVID-19.

Matatandaang ito na ang pangatlong taon kung saan ang PPA ang siyang ginagamit na alternatibong paraan ng pagbibigay ng sertipikasyon sa mga mag-aaral ng ALS Elementary Level (EL) at Junior High School Level o (JHSL). Kapag pumasa ang mag-aaral, magkakaroon siya nga sertipikasyon na puwede na siyang umabante sa susunod na antas, sa elementary level papuntang first year high school at sa Junior High School o Grade 10, papuntang Senior High School o Grade 11.

Ang mga kwalipikadong lalahok sa PPA ay kailangang 12 taong gulang para sa elementarya at 16 taong gulang naman para sa Junior High School bago o sa mismong araw ng July 31, 2022.

Ang mga puwedeng magsumite at lumahok sa Presentation Portfolio Assessment ay ang mga sumusunod:

a) Ang mga ALS learner na nakatala sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2021-2022 at kasiya-siyang nakatapos sa mga aralin sa A&E Program ayon sa napagkasunduan nila ng ALS teacher/ Community ALS Implementor o Learning Facilitator.

b) Mga mag-aaral na nakakompleto na noon sa mga nakaraang ALS programs pero hindi nakarehistro sa LIS ng kasalukuyang school-year ngunit nakapagsumite na noon ng mga PPA pero hindi umabot sa minimum na puntos, NGUNIT nagkaroon na ng karagdagang learning intervention o PAG-AARAL mula sa ALS Kto12 Basic Education Curriculum (BEC) na pinatutunayan naman ng ALS Teacher/ Community ALS Implementor o Learning Facilitator.

c) Mga mag-aaral na nakakompleto na noon sa mga nakaraang ALS programs pero hindi nakarehistro sa LIS ng kasalukuyang school-year at hindi pa nagsumite ng presentation portfolio NGUNIT nagkaroon na ng learning intervention sa ALS Kto12 Basic Education Curriculum (BEC) at nakapag-update na ng lahat ng kanilang formal records na pinapatunayan ng ALS Teacher/ Community ALS Implementor/ Learning Facilitator.

Kapag naipasa na ng ALS learner ang kanyang  Presentation Portfolio para sa final assessment,hindi na pinapayagang madagdagan o mabago pa ang nilalaman nito para masigurado ang validity at credibility ng assessment.

Ang Final Assessment ay inaasahang magaganap mula June 1-31, 2022 at ang Inter-District Revalida ay inaasahang magaganap naman sa July 1-31, 2022. Kapag hindi pumasa sa assessment ang ALS learner sa inter-district revalida, hindi siya maisasama sa Masterlist ng ALS EL at JHSL Passers.

Source: Joint Memorandum DM-CI-2022-126 ng Curriculum and Instruction at Bureau of Alternative Education (BEA), DepEd

image: istockphoto.com

One Comment

  • דירות בבת ים

    A fascinating discussion is definitely worth comment. I do think that you ought to publish more about this topic, it may not be a taboo subject but typically people dont speak about such issues. To the next! Many thanks!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *